Header Ads








Unwanted Computer Repair Customer Unilever Selecta Distributor Office

Hindi  ko akalain  tugma yung ads nilang Corneto  Bente!!  kuripot  na character  sa  Unilever Selecta Distributor Office dito sa Pampanga at mukhang hindi muna ako bibili ng  Selecta  sa bad experience ko..

Complete Location  Sampaguita Street, San Isidro Village, City of San Fernando, Pampanga.

Ngayon sabado may nag text sakin kaibigan kung pwede daw ako mag service sabi ko Oo.... dahil sabado naman ngayon at wala na ako gagawin iba at sa Lunes pa ang biyahe ko papunta  Makati. (Altec Lansing Event ).  Actually dapat last Saturday pa yan kaso  may lakad kami ng kapatid at anak ko nanood kami ng Sine  "Pan"  si Peter Pan at si Capt Hook mag best from the begining :v  maganda yun panoorin nyo  si Black Beard si Huge Jackman  A.K.A  Wolverine )



Pumunta ako sa Computer Shop ng kaibigan ko para samahan ako sa sinasabi nya.. Tumawid kami ng Highway Tapat na Village lang pala  (San Isidro)  nag lakad kami hangang Sampaguita Street maulan  at ngayon....

Kumatok kami sa malaking gate  at pinag buksan kami..pinakilala na ako ng kaibigan ko sa tao sa opisina ayus naman kausap .. Umalis na yung kaibigan ko pag katapos akong pina kilala, at ang sabi ng tao sa opis wait lang daw.. nag hintay ako. at sa wakas pinapasuk ako  at tinuro yung mga computer na gagawin..

Agad ko inayus at pinag papartner yung mg parts  Monitor keyboard mouse UPS,  (mga old DELL desktop)..  Nag trouble shoot ako at  memory lang yung iba nag comment pa nga yung isa taga opisina may alam ng konti sabi nya memory narinig nya din kasi yung beep .. konti linis lang  at gumana na..  Hindi kuna ni reformat yung iba  OK pa yung Operating System  at yung ibang files (Excel, MS Office) ay mga 2015 palang  kaya baka may need pa sila duon  kaya wag nalang ireformat... Pinayuhan kupa yung isa na handle with care dapat kasi luma na konti pokpok lang dyan mag loloko sa RAM .

Ganito actual itsura  ng mga unit nila... (pero halos nag nag wo-work dun may sariling Laptop )


photo credits to wikipedia : Dell OptiPlex 755 (Ultra Small Form Factor), mounted on the back of a monitor.  may dalawang turnilyo sa ibaba yan saka mo slide yung CPU Case... tapos another lock na naman bubuksan mo dyan.. USB port lahat walang PS2.

Mga 12PM  tapos , sabi ng  boss nila balikan ko nalang at may PC pa silang ipapa-repair.... pero alam ko wala na tinignan ko puro Monitor nalang nandun hmmm..  

"Alam ko ko meron pa computer dyan  hala lagot na tayo  nasan yun...? "  sabi ng boss
"Baka po nasa itaas  kaso may nag me meeting pa sir "  sabi  ng bata nila sa opis.

" Osige  kain ka muna balik ka after lunch mamaya kuna bigay bayad "  sabi ng boss...

Oo,  tango nalang sabi ko  kasi gutom na din  kami ng bata ko...

After lunch bumalik kami... kumatok  sa pinto... binuksan naman... sabay sabi cge  wait lang po sir nag meeting pa sila... (kanina pang umaga  yung meeting  sabi ko sa isip ko).

Nariring ko pa nga yung Aldub pina pa nood nila kanina.. tawanan pa sa loob meeting ?

Ang ang alam ko Pinaka Boss ng Boss nila yung nag me meeting sa itaas at walang kinalaman yung isa pang Boss kunu  (baka office in charge # assistant) .

Lumabas pa nga yung Bart yung unang kausap ko pag pasok.

"Sir bakit po kayo bumalik? "  tanong nung tao sa opis

"Diba pinababalik nyo ako dahil may computer pa kayo papa ayus?"  sabi ko..

Habang nag hihinaty sa labas ng opis nakita ko may nag la-laptop ,  aba may WiFi yata dito.. 
inupen ko yung PLDTWiFi  meron nakitang PLDTMyDSLBiz   pinasok ko  ayun "Connected"..



Nag check ako ng Speedtest  ayun  abot mga 10Mbps hehehe..




Nakapag  net ako browse ng fb etc  2:30  wala parin balita duon sa sinervice namin..

Nag tanong ulit ako  kung matagal pa... pero sabi nila nag me-meeting pa mga boss...

dumating yung taos sa opis..

"Sir magkano daw  yung ginawa nyo nalang kanina , hindi na namin makita yung ibang computer."

Sinabi ko yung price  ... tumawad yung nasa opis   (Homesevice tumatawad pa  mababa na nga yung price ko sa iba ). cge ganito nalang price...  sabi ko  at pumasok ulit yung  tao sa opis... nag hintay kami ng bata ko sa labas..

Habang nag hihintay ... naririnig ko nag uusap  mga tao ng selecta eto yata yung mga pumupunta sa tindahan para mag alok ng Selecta

"Boss Chip magkano kita natin ngayon ?"  saka ano yung performance namin ..."
" 23 Million last month  tapos yung performance mo kunin mo  ng 15% ng 23 million"
"Teka kunin ko laptop ko pakita ko sa inyo...

(ang yayabang....  samantalang dumating sila kanina naka motor.. at yung iba naka  pick up may dalang  fullout na fridge ng selecta..)

Tinext ko kaibigan ko sabi ko "OK na..."
nag reply  siya.  "Agad mo natapos?"
nag reply ako " kanina pang 12pm pinababalik kami afterlunch meron pa daw  , yung Bayad  hindi pa OK"

Time Check..... 3:30PM   na wala parin yung bayad nila mukhang 1234 TY na eto...

Naramdam ko ulit yung pakiram dam na yung unang pag apply mo ng trabaho na hindi ka confident or yung aalipinin ka muna bago ka tatangapin... yung nag si uwian na ang lahat saka ka papansinin..

Nag text ulit kaibigan ko... "katxt ko yung nag pagawa"

Nag reply ako mag po 4pm na  " umalis na kami na inip na kami  parang nag papalimos kami dito sa labas kakahintay... tumawad pa "

Nasa bahay na kami  nag text ulit  kabigan ko nag reto sakin sa Selecta ........
"Kuripot pala mga yun mag kano binayad sayo? "

Nag reply ako " Hindi nga nag bayad   nag sawa kami nag iintay kaya umalis nalang kami ,  donate ko nalang sa kanila yun " 

Duon natapos yung text .... nag meryenda nalang kami ng bata ko sa bahay :v

May number ako sa kanila isip ko mag te text sila.. biglang nag beep yung CP ko.. pag tingin ko  8888 lang pala ..Kung may balak sila mag bayad  kinuha naman nila yung number ko dapat tumawag or nag text na sila kanina pa! habang sinusulat ko tong post na eto... kaya lang #kapalmuks talaga...

Eto nga pala WiFi password  nila.. kung mapapa banda kayo  sa location na yan .

Balak ku nag sana palitang yung SSID ng WiFi   hindi kayo "Marunong  Magbayad ng Tech" or " Bayad Muna Bago WiFi"



Hindi lang sila yung ganito madami sila minsan kona na ipost eto sa wall ng Facebook page ko

A COMPUTER TECHNICIAN'S  True To Life Story
1. Client1 : Ang Galing mo Talaga Buti nalang anjan ka
Technician : Alam na naming magaling kami "marami ng nag sabi samin nyan" (bayad lang kailangan namin hindi papuri :D)

2. Client2 : Buti nalang nanjan ka / Buti nalang may kilala at kaibigan akong Technician
Techician : Hindi porket mag kakilala wala na laging bayad (kahit konti mag abot naman... Hindi namin pwede sabihin sa meralco na buti nalang kilala namin sila)

3. Client3 : Friend ako ng (kamag anak mo) ETC...
Technician : Sa totoo lang po Sila nga madalas namin inaasahan na mag babayad sila pa itong madalas mag palibre (utang na loob...!!! pati ba naman kayo di mag babayad

4. Client4 : The Unlimited "TAPIK sa LIKOD"
Technician : Baka naman mabalian ako ng buto nyan o magakapasa kaka tapik nyo masakit din kung minsan ha

5. Client5 : Madali lang pala eh / Wala ka naman masyadong ginawa / May pinindot ka lang naman
Technician : Madali lang pala eh Bakit hindi ikaw ang gumawa? nung pinag aralan namin yan di namin nasabing madali lang pala sa teacher namin yan para mabawasan yung bayad namin.. Try nyo kaya kayo mag aral kami magpaparepair

6. Client6 : Ang mahal naman ng singil mo.
Technician : minsan kasi mag tanong sa iba kung mag kano talaga para di kayo nabibigla at gud payment can assure gud quality isip isip din pag may time...

7. Client7 : Kaya mo bang gawin pc ko sira eh (Walang Keyboard eh... ETC)
Technician : Hindi po yun ang may sira baka yung nag papaayos.... Bilhan mo kaya

8. Client8 : Sira pc ko eh kaya mo bang ayusin medjo luma na eh...
Technician : Luma na o patay na? Technician lang kami Di kami magikero para imagic na gawing bago unit nyo At Lalong di kami Diyos para bumuhay ng patay

9. Client9 :Bakit ang mahal naman...Kay (______) mura lang
Technician :Dapat dun nalang kayo nag pagawa.... Kahit saang competitors may mga pag kakaiba yan... mura nga gud for 1day lang gagana Get the Logic?

!0 Client 10 : Dati ok naman sya maganda at mabilis bkit ngayon di na ganun?
Technician : Lahat po ata ng bagay sa mundo naluluma din alak nalang ang mas matagal mas masarap at mga unit naluluma din... parang tao lumalabo din ang mga mata at lalong bumabagal umintindi

11. Client11 : Mag kano babayaran ko???
Technician : Bahala na po kayo??? "MEANING Yung tipong di kayo lugi sa babayaran Pero wag din naman yung kami ang lugi" yung SAKTO LANG..
Tandaan Pag Ang technician ang tinitipid nyo mas lalong nagkaka problema ang unit nyo...

12.Client12 :Gumagawa ka ba ng pc?
Technician :Nagrerepair lang po ako d po ako gumagawa...tao lang po ako dipo ako pabrika

13.Client13 :magkano pa home service?cebu area po.
Technician :wala ho akong sariling eroplano para mapuntahan yang lugar nyo at hindi po ako si superman para liparin kayo.luzon po ako...LUZON...!

!!(paconsider naman ng pamasahe.lugi eh.!!)

14.Client14 :matagal pala yan no?
Technician :opo matagal(di paba halata?pa meryenda ka nmn PAKIUSAP...!!!) ahihihihihi

15.Client15 :wala bang tawad?(ung tipong parang 80% off)
Technician :pwede naman po kayong tumawad pero wag nyo naman po kaming gawing parang tinda sa divisoria lang.(kulang nalang po sabihin ninyong libre nalang "sabay tapik sa likod" wagas.!!! )

16.Client16 :ok naman sya kanina eh tapos biglang namatay tapos paulit ulit ganyan na... siguro mga 1 week palang nakaka lipas ok pa talaga sya promise ok pa yan nun bigla lang ganyan???
Technician :minsan may mga pag kakataon po talaga sa buhay ng tao ang hindi natin inaasahan parang buhay nung kelan lang ok pa sya naka smile pa biglang "Toinkz" deads...
minsan tangapin na talaga natin na hanggang dun lang eh sana maunawaan nyo...

Ang Mga Salita at mga Kahulugan sa mga babasahing ito Ay pawang hango sa totoong buhay ng mga tech at hango din sa pilosopong sagot sa aming mga malalawak na kaisipan at imahinasyon naway mag silbing gabay at aral upang kayo ay maaliw at matutong wag maging abusado.bato bato sa langit ang tamaan ay pangit!!!


Sana tulad ng Ads nilang Corneto kung nag hanap sila Computer Techician bigyan ng  Karpintero...
instant repair bili ng ng Brand New!!


Update: Yung boss nila balita ko papalitan na ng mas bata  Baguhan nga sabi ng Boss nila pero saklap naman ikaw yung  nag develop sa iba mapupunta karma yan....

Update yung hinihintay ko text  sana kahapon na traffic yata sa ere..
After 26 and 21 minutes nag txt bigla unknown number.

 
Eto ang reply ako may segway pang ads para sa event bukas  "Altech Lansing "  Sabi ng ibang ka blog "Nanliliit kasi yan mga yan sayo kaya pinag iintay ka"  kaya eto reply para swabe..




Yung Aps  sa itaas dito nyo pwede ma kuha :



No comments

blogmytuts. Powered by Blogger.